Ang TITIK-TEKNIK ay antolohiya ng mga titik na nilalapatan ng kahulugan, kaisipan at damdamin na siyang nagbibigay-buhay sa mga salitang nabubuo. Ang layunin sa ganitong paraan ng patulang himig ay upang madaling basahin at unawain, sa simpleng pakahulugan. Sa ganitong paraan, nabibigyan ng inspirasyon ang bawat "titik" na siyang magiging gabay sa bawat salita.
Hangarin din na makatutulong sa matagumpay na paglinang ng kaisipang Pilipino at wikang Filipino sa makabagong henerasyon.
Maaring magsilbing inspirasyon at libangan ito ng mga taong mahilig sa matulaing kuwento ng buhay. Makatutulong at kawiwilihan ng mga kabataang mag-aaral ang mga tulang akrostik, magbibigay sa kanila ng isang pamamaraang simpleat madaling unawain.
Anumang bagay, maging "titik" man ito, kapag binibigyan ng buhay at pagpapahalaga, ay makapagbibigay sa kabataan ng isang malaking inspirasyon.
Ang Titik-Teknik ng mga tulang akrostik ay madaling unawain, libangang namumutiktik kahit ng mga taong walang atik. Mag-praktis lang ng pag-sulat ng tulang akrostik hangang maging libangan ito. Gawin ang unang mga titik ng pangalan ng iyong nililigawan o kaya ng iyong mahal sa buhay tiyak matutuwa sila.
Mahaling natin ang wikang Filipino. Maligayang pagtangkilik!
Ang May-akda
No comments:
Post a Comment