Totoong lubhang nakababahala na at nakakatakot na ang pangyayari ngayon sa buong mundo ang lahat ay balisa na dahil sa SALOT na COVID-19.
Ano kaya ang mensahe sa ating mga tao bakit dumating o nangyayari ang lahat na ito sa atin?
Siguro naman may pinakamahalagang bagay at pinakamabuti itong hatid sa sangkatauhan na dapat nating magawa upang tayo ay mamulat na sa katotohan na marami nga tayong pagkakamali at kasalanan na dapat nating baguhin sa ating mga sarili.
Ang Diyos ay matuwid sa lahat ng bagay, Siya ang may likha ng langit at lupa, ng buhay at kamatayan. Ibinigay sa atin ang kalayaan upang piliin ang MABUTI kaysa KASAMAAN. . .ngunit tila nanaig parin ang kahinaan ng tao, ang kasakiman at kapalaloan. . .ang syang napili.
Kung biblical ang pag- uusapan ang mensahe lang sa atin ay PAGBABAGONG BUHAY AT ANG MANUMBALIK SA PAGLILINGKOD SA DIYOS DAHIL MALAPIT NA ANG PAGHUHUKOM. . .ibig sabihin may pagkakataon pang ibinigay sa atin.
Kung scientific naman ang pag- uusapan sa kasalukuyan ay patuloy pang pinag aaralan ng mga experto ang panlaban sa COVID-19 kaya habang wala pa ito, ang bilin sa atin ay STAY AT HOME . . .ALAGAAN ANG KALUSUGAN, SUMUNOD SA LAHAT NA IPINATUTUPAD NG PAMAHALAAN UPANG MAIWASAN ANG PAGKALAT NG SAKIT. ibig sabihin may malaking pag- asa upang ating malampasan ang pagsubok.
Kung usapin Political naman para sa akin siguro refrain muna tayo dito kasi ang daming magagaling, matatalino, at eksperto sa kanila laging pansariling interes at proteksyon lang sa kanila. SHOT GUN APPROACH WALANG DIRECTION ANG TIYAK LANG AY PAPABOR SA KANILA. . .ibig sabihin posibleng magka baha-bahagi ng maraming opinyon. WALANG FOCUS. . .sa totoong layunin.
Siguro mas mabuti pa ay usaping POSITIBO nalang ng COVID-19 tiyak MARAMI ITO.
NAKAPAGPAHINGA ANG ATING KALIKASAN LUMINIS ANG HANGIN, WALANG NOISE POLLUTION .
FAMILY BONDING (maliban sa ating mga Frontliners) kaya mahalin at saluduhan natin sila sa kanilang kabayanihan. . .
AT MARMI PANG LESSONS LEARNED SA ATING BUHAY NA DAPAT BAGUHIN . . .SA LÀHAT NA ASPETO.
(politically, economically,scientifically, psychologically, emotionally, specifically sa lahat ng ally)
(politically, economically,scientifically, psychologically, emotionally, specifically sa lahat ng ally)
KAYA MAY COVID-19 UPANG MA REFRESH AT MA UPGRADE ANG ATING BUHAY ANG ATING PAG UUGALI UPANG MAIBAHAGI ANG PAG-IBIG SA KAPWA AT PAGMAMAHAL SA KAPALIGIRAN AT KALIKASAN.
TANGGAPIN NATIN NA BLESSINGS ANG LAHAT NA KARANASANG ITO, UPANG MAS LALO TAYONG TUMIBAY SA ATING PAKIKIPAGBAKA SA BUHAY.
GOD BLESS PO SA ATING LAHAT.
No comments:
Post a Comment