COVID-19 naging PANDEMIC totoong naghatid ng ligalig kabalisahan, kawalan ng pag-asa sa mga tao dahil wala itong pinipili anoman ang istado mo sa buhay, mahirap o mayaman, sikat o pangkaraniwan talagang nakakatakot dahil buhay at kamatayan dito ang nakasalalay. . .
COVID-19 ano kaya ang totoong pakay o layunin nito at bakit nagkaroon nito? Ang daming teyorya(theory) scientifically. . .hindi kaya ito ay "BLESSINGS IN DISGUISE" din? alam ko daming hindi sasang-ayon dito anyway siguro dahil may NEGATIVE EFFECTS kasi, yun na nga po. . .
COVID-19 ano naman kaya ang hatid na POSITIVE EFFECTS para masabi nating blessings in disguise nga. Financially, economically, politically, environmentally, religiously, emotionally ano pang side ng ally. . .
COVID-19 hatid din ang iba't ibang reaction ng ating buhay may drama, comedy, action, thriller ano man ito. . . ang alam ko may ending kaya lang hindi pare-pareho dependi na sayo saan mo gusto kasi ikaw naman ang bida dito. . .
COVID-19 gaano ito sayo nakaapekto sa buhay mo? Kung dati hindi ka releheyoso ni hindi mo masambit ang salitang Diyos o hindi mo naiintindihan ang salitang magbagong buhay kana . . .siguro ngayon mauunawaan mo na.
Kung dati bulagsak ka lang dahil easy money lang sayo ang kinikita mo libangan lang sayo ang casino . . .siguro naman makapag-isip isip kana ngayon.
Kung POLITIKO kaman ngayon siguro may panahon kapa para mabago mo pa ang iyong pamamaraan ng pangangasiwa at pakikitungo sa iyong mga CONSTITUENT. . .
Kung taong gobyerno ka pero wala kang pakialam sa mga kasama mong mga Frontliners na naghihirap at sakripisyo pero kasama karin sa nagrereklamo pero tumatanggap din ng benipisyo . . .siguro naman may konsensya ka para makatulong.
Kung MERON ka lang din at aayon ayon lang sa mga FAKE NEWS at isa karin sa dahilan ng pagkakalat, siguro naman maiisip mo rin na tatamaan karin sa ipinagkakalat mo dahil maraming mag ba bash sayo. . .
Kung maka KALIWA O maka KANAN kaman sa panahong ito sana tigilan muna natin ang bangayan dahil hindi ito ang panahon para dyan kasi may BAYANIHAN tayo na dapat tayong magkaisa. . .
Kung POOREST of the POOR ka ngayon na umaasa lang sa tulong ng gobyerno pero simpleng pakiusap lang na mag stay sa bahay pero hindi ka marunong sumunod ikaw pa ang may ganang magdemand . . .siguro panahon na makaramdam ka ng HIYA kasi wala kang pakinabang alam mo yon dapat magbago kana para makaahon sa buhay. . .
Kung nasa 4Ps ka ngayon at naliliitan kapa sa tulong ng gobyerno dahil pang 1 week lang ang budget . . .pinakawalang hiya ka na dapat bawasan mo na ang bisyo ang paglalasing, pagsusugal . . .ngayon mo na malalaman na bistado na kayo, may panahon pa para magbago. . .
Kung KADAMAY ka sa mga problema at umaasa ka lang ng pinaghirapan ng iba dahil sa sobrang tamad ka, madali kang sulsulan na mag rally kasi akala mo ito ang mas madaling pakinabang tigilan mo na, huwag mo ng idamay ang pamilya mo maawa ka may pagkakataon ka pang magbago kung hindi ka tamaan ng COVID-19. . .
Kung negosyante ka pero nasanay ka ng nagsasamantala lalo na sa ganitong panahon ng krisis. Ito narin ang pagkakataon at panahon upang tularan ang iba paano makatulong hindi iniisip ang kalugihan kasi mas pinagpapala pa ang mga taong matulungin. . .
Ngayon bilang bida sa actual na buhay alin o ano ang ating character sa pakikipaglaban upang magtagumpay sa laban na ito? Sigurado akong napakaraming bagay ang POSITIBONG pagbabago . . .dahil marami tayong aral na natutunan sa COVID-19 na ito. . .
Ang buong mundo ay magbabago ng pananaw lahat na aspeto ng kalakaran. . .saka natin ngayon masasabing kung hindi pa nagka COVID-19. . ."BLESSINGS in DISGUISE" NGA! DAHIL ANG UNANG NAKINABANG NGAYON AY ANG ATING KALIKASAN SA PANAHON NG COVID-19. . . BE POSITIVE LANG TAYO.
MARAMING SALAMAT SA PANG UNAWA. . .
No comments:
Post a Comment