Minsan naisip ko nga na likas talaga sa tao ang "sutil" o masuwayin hindi basta basta maniniwala hangga't hindi nya napatutunayan sa sarili . . .
May joke nga dyan ng dalawang magkaibigan John at Peter namamasyal sila noong napagod umupo sila sa may mahabang banku pagka upo may nasalat sa upuan si Peter . . . nakita ni John naku Peter nahawakan mo ata yung tae . . .palibhasa medyo may kayabangan nga si Peter itinanggi HIINDI tigas ng tanggi wala ito Pre, pero parang duda na rin inamoy amoy pa tapos dinilaan para makasiguro TAE NGA PRE PWEEE . . .
Ganoon talaga may kasabihan nga tayo "To See is to Believe" hangga't hindi natin nakikita ayaw nating maniwala. . .paano ngayon hindi nga nakikita si COVID-19 siguro nga kaya maraming hindi naniniwala kaya maraming pilosopo maraming SUTIL at matitigas ang ulo. . .
Pakiramdam kasi nila malalakas sila may kakayanan para lang mapatunayan nila sa sarili na magaling sila at MAYABANG sasabihin pa "WALA YAN COVID-19 LANG YAN". . .
Hindi naman ibig sabihin na dahil wala kang nakikita ay hindi kana dapat maniwala. . .parang yung kwentong magkumpare lang yan na nag iinuman at nagtatalo parehong ayaw magpatalo kaso yung isa napipikon na sabi pre paghindi ka tumigil at ayaw mong maniwala makakakita ka na ng BITUIN sabi ng makulit anong bituin? walang BITUIN ang dilim dilim nga. . .BINIGWASAN nga yung kumpare ano ngayon wala kapang nakitang bituin . . .biglang nahimasmasan si kumpareng makulit PARE ANG LIWANAG NGA TOTOO. . .
Joke lang po yan. . .pero dapat seryosohin na natin ang pagsisikap ng ating Pamahalaan ng ating gobyerno hindi na po ito biro PANDEMIC na po ito pang buong mundo na ang problema simple lang po ang ating partisipasyon STAY AT HOME. . .MANATILI SA BAHAY ang laki na ng ating maitutulong upang mapigilan ang pagkalat ng sakit. . .
KAHIT PO SI COVID-19 NAGREREKLAMO NA . . .
AYAW NARIN NIYA KASI NAPAPAGOD NA RIN SIYA SA KAKA TRAVEL NAIKOT NYA NA BUONG MUNDO. . .
WALA NARAW SA KÀNYA ANG PROBLEMA NASA TAO NA . . .
PAKIUSAP TIGILAN NA NATIN ANG MAGING SUTIL AT KATIGASAN NG ULO . .
UPANG MATAPOS NA ANG PROBLEMA. . .
INSPIRED BY PICTURE CREDIT TO THE OWNER
MARAMING SALAMAT.
No comments:
Post a Comment