KATIPUNAN NG MGA TULANG AKROSTIK AT SANAYSAYSearch This Blog

Wednesday, 29 April 2020

DISIPLINADO (Akrostik)

Maraming salamat Frontliners laban sa COVID-19 dakila kayo tunay na sakripisyo ang inyong ginagawaupang protektahan ang sabayanan ang bawat pamilya kapalit man ay buhay ninyo.
Ngunit marami parin ang pasaway na ayaw umunawa ayaw sumunod, pinipilit ang kanilang gusto sa kabila ng maraming babala.
Dahil ba ito sa kahirapan? Dahil ba ito sa sobrang pamumulitika? Anoman ang maraming dahilan na yan ay iisa lang ang dapat na kailangan upang maging maayos ang lahat, at magkaroon ng magandang sistema "DISIPLINA".
Ito ang totoong nawawala sa atin kung mayroon man, kaya ayaw nating tumalima sa mga ipinatutupad sa atin sa halip nakikipag argumeto pa ang marami upang ipakitang mas magaling o mas marunong pa sila sa mga namiminuno sa atin.
Sana gawin nalang natin ang maging "DISIPLINADO"para sa kabutihan nating lahat. MAGKA1SA TAYONG MANATILI SA TAHANAN ITO'Y GAWAING MAKABAYAN, NGAYONG MAY KRISIS NG COVID-19 NA ATING NILALABAN. MAY AWA ANG DIYOS HINDI NIYA PABABAYAAN ANG KANYANG BAYAN
               ( INSPIRED BY THE PICTURE CREDIT TO THE OWNER MARAMING SALAMAT).
No photo description available.

PANALANGIN (Akrostik)


Monday, 27 April 2020

LANGGAM (Akrostik)

Image may contain: possible text that says 'Langgam: bakit hindi ka nag iipon ng pagkain habang maganda ang panahon, baka biglang bumagyo at wala ka makain. Tipakplong: may gobyerno naman baka tulungan nila ako at kapag namatay ako sa gutom kasalanan na nila yon charot. #copypost'

Concern ni Middle Class (Sanaysay)


Ito ang naging tugon ko sa panawagan ni MIDDLE CLASS kay POOREST of the POOR. . .
Totoo naman at may dahilan din ang hinaing ni MIDDLE CLASS pero walang halong galit sa gobyerno nais lang maging FAIR sana ang pagpapahalaga sa sitwasyon at MOTIVATION narin kay POOREST of the POOR. . .

May kilala akong POOREST of the POOR pero ngayon RICHEST of the RICH na siya. . .disiplinado, may takot sa Diyos at nagsipag kaya nya narating ang masaganang buhay . . .
hindi man natin marating ang ganoon at least nasa MIDDLE CLASS lang tayo maraming salamat kasi nalampasan natin ang pinanggalingan natin ang POOREST of the POOR hindi lang kasi halata na ganun tayo dati kasi nga DISIPLINADO tayo masunurin may takot sa Diyos naging matyaga at nagsipag para makaahon sa buhay. . .
sana makita ito ng gobyerno ano ba ang dapat na qualification para matulungan ang mahirap sa pinakamahirap . . .
hindi sana dahil iyon ang kanilang kalagayan ay napagsasamantalahan dahil sila narin ang malimit nagagamit sa mga rally madaling hikayatin lalo na kapag panahon ng eleksyon ito ang malimit na ipinagangako ang magiging tulong ng gobyerno upang ma qualified na sila . . .
aminin natin ang realidad ng buhay sana mabawasan na ang totoong sakit ng lipunan ang sobrang pamumulitika. . .
ngayon nga panahon na ng salot walang nakakakilos ng normal dahil sa COVID-19 marami paring pasaringan sisihan ng mga POLITIKO nagpapasikatan sila mas masahol pa sila sa COVID-19 kasi itong salot ay lilipas din at makokontrol pero ang mga TRAPO at mga EPAL na POLITIKO mananatili. . .
kaya POOREST of the POOR gumising narin kayo wag kayong pumayag na manatili sa kalagayan ninyo ngayon, dahil lang sa mga pangako ng mga POLITIKO . . .
Pagmasdan ninyo ang buhay nila Senator PACQUIAO at ni YORME ISKO galing din sila sa POOREST of the POOR naging politiko narin pero kakaiba sila sa mga TRADITIONAL na POLITIKO (TRAPO) ramdam kasi nila ang totoong buhay. . .
From: Dating Poorest of the Poor ngayon Poor nalang salamat. . .

COVID-19 Ito ba ay blessings in disguise? (Sanaysay)

COVID-19 naging PANDEMIC totoong naghatid ng ligalig kabalisahan, kawalan ng pag-asa sa mga tao dahil wala itong pinipili anoman ang istado mo sa buhay, mahirap o mayaman, sikat o pangkaraniwan talagang nakakatakot dahil buhay at kamatayan dito ang nakasalalay. . .
COVID-19 ano kaya ang totoong pakay o layunin nito at bakit nagkaroon nito? Ang daming teyorya(theory) scientifically. . .hindi kaya ito ay "BLESSINGS IN DISGUISE" din? alam ko daming hindi sasang-ayon dito anyway siguro dahil may NEGATIVE EFFECTS kasi, yun na nga po. . .
COVID-19 ano naman kaya ang hatid na POSITIVE EFFECTS para masabi nating blessings in disguise nga. Financially, economically, politically, environmentally, religiously, emotionally ano pang side ng ally. . .
COVID-19 hatid din ang iba't ibang reaction ng ating buhay may drama, comedy, action, thriller ano man ito. . . ang alam ko may ending kaya lang hindi pare-pareho dependi na sayo saan mo gusto kasi ikaw naman ang bida dito. . .
COVID-19 gaano ito sayo nakaapekto sa buhay mo? Kung dati hindi ka releheyoso ni hindi mo masambit ang salitang Diyos o hindi mo naiintindihan ang salitang magbagong buhay kana . . .siguro ngayon mauunawaan mo na.
Kung dati bulagsak ka lang dahil easy money lang sayo ang kinikita mo libangan lang sayo ang casino . . .siguro naman makapag-isip isip kana ngayon.
Kung POLITIKO kaman ngayon siguro may panahon kapa para mabago mo pa ang iyong pamamaraan ng pangangasiwa at pakikitungo sa iyong mga CONSTITUENT. . .
Kung taong gobyerno ka pero wala kang pakialam sa mga kasama mong mga Frontliners na naghihirap at sakripisyo pero kasama karin sa nagrereklamo pero tumatanggap din ng benipisyo . . .siguro naman may konsensya ka para makatulong.
Kung MERON ka lang din at aayon ayon lang sa mga FAKE NEWS at isa karin sa dahilan ng pagkakalat, siguro naman maiisip mo rin na tatamaan karin sa ipinagkakalat mo dahil maraming mag ba bash sayo. . .
Kung maka KALIWA O maka KANAN kaman sa panahong ito sana tigilan muna natin ang bangayan dahil hindi ito ang panahon para dyan kasi may BAYANIHAN tayo na dapat tayong magkaisa. . .
Kung POOREST of the POOR ka ngayon na umaasa lang sa tulong ng gobyerno pero simpleng pakiusap lang na mag stay sa bahay pero hindi ka marunong sumunod ikaw pa ang may ganang magdemand . . .siguro panahon na makaramdam ka ng HIYA kasi wala kang pakinabang alam mo yon dapat magbago kana para makaahon sa buhay. . .
Kung nasa 4Ps ka ngayon at naliliitan kapa sa tulong ng gobyerno dahil pang 1 week lang ang budget . . .pinakawalang hiya ka na dapat bawasan mo na ang bisyo ang paglalasing, pagsusugal . . .ngayon mo na malalaman na bistado na kayo, may panahon pa para magbago. . .
Kung KADAMAY ka sa mga problema at umaasa ka lang ng pinaghirapan ng iba dahil sa sobrang tamad ka, madali kang sulsulan na mag rally kasi akala mo ito ang mas madaling pakinabang tigilan mo na, huwag mo ng idamay ang pamilya mo maawa ka may pagkakataon ka pang magbago kung hindi ka tamaan ng COVID-19. . .
Kung negosyante ka pero nasanay ka ng nagsasamantala lalo na sa ganitong panahon ng krisis. Ito narin ang pagkakataon at panahon upang tularan ang iba paano makatulong hindi iniisip ang kalugihan kasi mas pinagpapala pa ang mga taong matulungin. . .
Ngayon bilang bida sa actual na buhay alin o ano ang ating character sa pakikipaglaban upang magtagumpay sa laban na ito? Sigurado akong napakaraming bagay ang POSITIBONG pagbabago . . .dahil marami tayong aral na natutunan sa COVID-19 na ito. . .
Ang buong mundo ay magbabago ng pananaw lahat na aspeto ng kalakaran. . .saka natin ngayon masasabing kung hindi pa nagka COVID-19. . ."BLESSINGS in DISGUISE" NGA! DAHIL ANG UNANG NAKINABANG NGAYON AY ANG ATING KALIKASAN SA PANAHON NG COVID-19. . . BE POSITIVE LANG TAYO.
MARAMING SALAMAT SA PANG UNAWA. . .

MEDIA RESPONSABLENG TAGAPAGBALITA (Sanaysay)

GAANO BA KARESPONSABLE ANG TAGAPAGPAHAYAG NG BALITA NATIN NGAYON SA PANAHON NG KRISIS NA MAY COVID-19?
MEDIA SA "PAGITAN" TAGA PAMAGITAN NG BALITA . . .
MEDIA MAY "BALANCE" NA BALITA MAGPAPAHAYAG NG BALANSENG BALITA . . .

MEDIA "TAGAPAGHATID" AT "TAGAPAGPAHAYAG" NG BALITA. . .NG "WALANG KINIKILINGAN"
NANG " WALANG "PINUPROTEKTAHAN"
NANG WALANG KASINUNGALINGAN
NANG HINDI SA PANSARILING INTERES LAMANG. . .
NANG HINDI DINADAGDAGAN NG KAYABANGAN. . .
AT INILALAGAY SA TAMANG PAGKAKATAON AT SITWASYON. . .
MEDIA RESPONSABLENG TAGAPAGBALITA . . .
NANG HINDI MAGDUDULOT NG KAGULUHAN. . .
NANG HINDI MAGDUDULOT NG KASIRAAN. . .
NANG HINDI MAGDUDULOT NG KATATAKUTAN. . .
NANG HINDI MAGDUDULOT NG KALITUHAN. . .
NANG HINDI NAGDUDULOT NG PAGKA BAHABAHAGI NG LIPUNAN. . .
ANG TUNAY NA MEDIA AY NAGHAHATID AT MAGPAPAHAYAG NG BALITANG PARA
SA IKAPAPAYAPA, (hatid kapanatagan)
SA IKAUUNLAD, (inspirasyon ng pag asenso)
SA IKATUTOTO (upang magiging disiplinado at masunurin sa batas)
AT HIGIT NA MAGBIBIGAY NG IBAYONG INSPIRASYON SA MGA TAGAPANOOD AT TAGAPAKINIG. . .NG BALITA
ANG MEDIA HIGIT SA LAHAT
MAKA DIYOS
MAKA TAO AT MAKAKALIKASAN. . .
SINUSUNOD ANG MEDIA ETHICS. . .NG PAGPAPAHAYAG NG IBABALITA.

INSPIRED BY PICTURE CREDIT TO THE OWNER
MARAMING SALAMAT.

COVID-19 MAY PAKIUSAP SA MGA TAO (Sanaysay)

Minsan naisip ko nga na likas talaga sa tao ang "sutil" o masuwayin hindi basta basta maniniwala hangga't hindi nya napatutunayan sa sarili . . .
May joke nga dyan ng dalawang magkaibigan John at Peter namamasyal sila noong napagod umupo sila sa may mahabang banku pagka upo may nasalat sa upuan si Peter . . . nakita ni John naku Peter nahawakan mo ata yung tae . . .palibhasa medyo may kayabangan nga si Peter itinanggi HIINDI tigas ng tanggi wala ito Pre, pero parang duda na rin inamoy amoy pa tapos dinilaan para makasiguro TAE NGA PRE PWEEE . . .

Ganoon talaga may kasabihan nga tayo "To See is to Believe" hangga't hindi natin nakikita ayaw nating maniwala. . .paano ngayon hindi nga nakikita si COVID-19 siguro nga kaya maraming hindi naniniwala kaya maraming pilosopo maraming SUTIL at matitigas ang ulo. . .
Pakiramdam kasi nila malalakas sila may kakayanan para lang mapatunayan nila sa sarili na magaling sila at MAYABANG sasabihin pa "WALA YAN COVID-19 LANG YAN". . .
Hindi naman ibig sabihin na dahil wala kang nakikita ay hindi kana dapat maniwala. . .parang yung kwentong magkumpare lang yan na nag iinuman at nagtatalo parehong ayaw magpatalo kaso yung isa napipikon na sabi pre paghindi ka tumigil at ayaw mong maniwala makakakita ka na ng BITUIN sabi ng makulit anong bituin? walang BITUIN ang dilim dilim nga. . .BINIGWASAN nga yung kumpare ano ngayon wala kapang nakitang bituin . . .biglang nahimasmasan si kumpareng makulit PARE ANG LIWANAG NGA TOTOO. . .
Joke lang po yan. . .pero dapat seryosohin na natin ang pagsisikap ng ating Pamahalaan ng ating gobyerno hindi na po ito biro PANDEMIC na po ito pang buong mundo na ang problema simple lang po ang ating partisipasyon STAY AT HOME. . .MANATILI SA BAHAY ang laki na ng ating maitutulong upang mapigilan ang pagkalat ng sakit. . .
KAHIT PO SI COVID-19 NAGREREKLAMO NA . . .
AYAW NARIN NIYA KASI NAPAPAGOD NA RIN SIYA SA KAKA TRAVEL NAIKOT NYA NA BUONG MUNDO. . .
WALA NARAW SA KÀNYA ANG PROBLEMA NASA TAO NA . . .
PAKIUSAP TIGILAN NA NATIN ANG MAGING SUTIL AT KATIGASAN NG ULO . .
UPANG MATAPOS NA ANG PROBLEMA. . .

INSPIRED BY PICTURE CREDIT TO THE OWNER
MARAMING SALAMAT.
Image may contain: possible text that says '"NASA TAO ANG PROBLEMA WALA NA SAKIN" CORONA VIRUS PAG PUYO SA MALUWAS BALAY PARA'





COVID-19 WAKE UP CALL SA SANGKATAUHAN (Sanaysay)

Totoong lubhang nakababahala na at nakakatakot na ang pangyayari ngayon sa buong mundo ang lahat ay balisa na dahil sa SALOT na COVID-19. 
Ano kaya ang mensahe sa ating mga tao bakit dumating o nangyayari ang lahat na ito sa atin?

Siguro naman may pinakamahalagang bagay at pinakamabuti itong hatid sa sangkatauhan na dapat nating magawa upang tayo ay mamulat na sa katotohan na marami nga tayong pagkakamali at kasalanan na dapat nating baguhin sa ating mga sarili.
Ang Diyos ay matuwid sa lahat ng bagay, Siya ang may likha ng langit at lupa, ng buhay at kamatayan. Ibinigay sa atin ang kalayaan upang piliin ang MABUTI kaysa KASAMAAN. . .ngunit tila nanaig parin ang kahinaan ng tao, ang kasakiman at kapalaloan. . .ang syang napili.
Kung biblical ang pag- uusapan ang mensahe lang sa atin ay PAGBABAGONG BUHAY AT ANG MANUMBALIK SA PAGLILINGKOD SA DIYOS DAHIL MALAPIT NA ANG PAGHUHUKOM. . .ibig sabihin may pagkakataon pang ibinigay sa atin.
Kung scientific naman ang pag- uusapan sa kasalukuyan ay patuloy pang pinag aaralan ng mga experto ang panlaban sa COVID-19 kaya habang wala pa ito, ang bilin sa atin ay STAY AT HOME . . .ALAGAAN ANG KALUSUGAN, SUMUNOD SA LAHAT NA IPINATUTUPAD NG PAMAHALAAN UPANG MAIWASAN ANG PAGKALAT NG SAKIT. ibig sabihin may malaking pag- asa upang ating malampasan ang pagsubok.
Kung usapin Political naman para sa akin siguro refrain muna tayo dito kasi ang daming magagaling, matatalino, at eksperto sa kanila laging pansariling interes at proteksyon lang sa kanila. SHOT GUN APPROACH WALANG DIRECTION ANG TIYAK LANG AY PAPABOR SA KANILA. . .ibig sabihin posibleng magka baha-bahagi ng maraming opinyon. WALANG FOCUS. . .sa totoong layunin.
Siguro mas mabuti pa ay usaping POSITIBO nalang ng COVID-19 tiyak MARAMI ITO.
NAKAPAGPAHINGA ANG ATING KALIKASAN LUMINIS ANG HANGIN, WALANG NOISE POLLUTION  .
FAMILY BONDING (maliban sa ating mga Frontliners) kaya mahalin at saluduhan natin sila sa kanilang kabayanihan. . .
AT MARMI PANG LESSONS LEARNED SA ATING BUHAY NA DAPAT BAGUHIN . . .SA LÀHAT NA ASPETO.
(politically, economically,scientifically, psychologically, emotionally, specifically sa lahat ng ally)
KAYA MAY COVID-19 UPANG MA REFRESH AT MA UPGRADE ANG ATING BUHAY ANG ATING PAG UUGALI UPANG MAIBAHAGI ANG PAG-IBIG SA KAPWA AT PAGMAMAHAL SA KAPALIGIRAN AT KALIKASAN.
TANGGAPIN NATIN NA BLESSINGS ANG LAHAT NA KARANASANG ITO, UPANG MAS LALO TAYONG TUMIBAY SA ATING PAKIKIPAGBAKA SA BUHAY.
GOD BLESS PO SA ATING LAHAT.

KAMAY NA BAKAL NI DIGONG (Akrostik)

Image may contain: text

PANGULONG DUTERTE (Akrostik)

Image may contain: text

KAYA NATIN TO! (Akrostik)


Saturday, 25 April 2020

LANDAS NG BUHAY (Akrostik)



TITIK-TEKNIK ANTOLOHIYA NG MGA TULANG AKROSTIK

Ang TITIK-TEKNIK ay antolohiya ng mga titik na nilalapatan ng kahulugan, kaisipan at damdamin na siyang nagbibigay-buhay sa mga salitang nabubuo. Ang layunin sa ganitong paraan ng patulang himig ay upang madaling basahin at unawain, sa simpleng pakahulugan. Sa ganitong paraan, nabibigyan ng inspirasyon ang bawat "titik" na siyang magiging gabay sa bawat salita.

Hangarin din na makatutulong sa matagumpay na paglinang ng kaisipang Pilipino at wikang Filipino sa makabagong henerasyon.

Maaring magsilbing inspirasyon at libangan ito ng mga taong mahilig sa matulaing kuwento ng buhay. Makatutulong at kawiwilihan ng mga kabataang mag-aaral ang mga tulang akrostik, magbibigay sa kanila ng isang pamamaraang simpleat madaling unawain.

Anumang bagay, maging "titik" man ito, kapag binibigyan ng buhay at pagpapahalaga, ay makapagbibigay sa kabataan ng isang malaking inspirasyon.

Ang Titik-Teknik ng mga tulang akrostik ay  madaling unawain, libangang namumutiktik kahit ng mga taong walang atik. Mag-praktis lang ng pag-sulat ng tulang akrostik hangang maging libangan ito. Gawin ang unang mga titik ng pangalan ng iyong nililigawan o kaya ng iyong mahal sa buhay tiyak matutuwa sila.

Mahaling natin ang wikang Filipino. Maligayang pagtangkilik!

                                                                                                                      Ang May-akda